Sabado, Hulyo 7, 2018

Inaasahang Katangian Ng Pangulo Ng Pilipinas

Inaasahang Katangian Ng Pangulo Ng Pilipinas Ang bansang Pilipinas ay pinamumunuan ng pangulo, pangalawang pangulo, mambabatas, kongresista, gobernador, bise gobernador at iba pang politika. Sapagkat ang Pilipinas ay malayang bansa na kung saan malaya ang mga tao na makakapagpahayag ng sariling opinyon at damdamin. Bagamat ganito ang estilo ng bansang Pilipinas mayroon pa rin silang sinusunod na mga batas. Sila ay meron paring respeto sa kapwa lalong lalo na sa panginoong diyos. Ang Pangulo ang siyang namumuno sa bansang Pilipinas at may kakayahan siyang magpatupad ng batas. Siya rin ang nagsisilbing magandang empluwensya o modelo ng kaniyang mga tagapag sunod at mga mamamayan ng bansang kaniyang sinasakupan at pinamumunuan. Bagamat ang pangulo ang nagsisilbing ama o ina ng kaniyang bansa, nararapat lamang na siya ay may mabuting hangarin, magandang ugali, may respeto sa kanyang sarili, sa kaniyang mamamayan at higit sa lahat kinikilala at nirerespeto niya ang Panginoong Diyos. Ngunit tama ba na magsalita sa harap ng maraming tao at kwestiyunin o maliitin ang diyos? Sa aming palagay ito ay isang malaking pagkakamali. Oo, ang bansang pilipinas ay isand demokratikong bansa. Ngunit kapag diyos na ang pinag uusapan, kailangan mag dahan dahan tayo sa pananalita at nararapat lamang na siya'y puruhin at huwag maliitin. Huwag na huwag nating ikukumpara ang diyos sa iba. Lalong lalo na kailangan nating malaman na siya ay nag iisa. Marahil marami siyang pangalan sa iba't ibang uri ng relihiyon, ngunit sya ay iisa. Ang diyos ko, ay diyos mo at diyos nating lahat. Tayong lahat ay kaniyang nilikha. Ang mga babae ay itinuturing niyang prinsesa at sila ay isang regalo mula sa kaniya. Nararapat din na sila ay igalang at respetuhin ang kanilang karapatan. Marahil sila ay nagkakamali minsan, ngunit sila ay tao lamang. Kung sila ay nagkakamalo, darating ang araw na kanila itong pagsisisihan. Huwag sana nating maliitin ang kakayahan ng kababaihan. Lalong lalo na huwag natin silang babastusin sapagkat ito'y napakalaking insulto sa mga kababaihan. Sa maikling salita, ang pangulo ay dapat maging isang modelo. May isang salita, mabuti ang gawa, at kinakailangab niyang maging maingat da kaniyang pananalita. Dahil siya ay inihalal sa pwesto ng mga mamamayang Pilipino upang sila'y pamunuan ng wasto. Ang pangulo ay siyang nagsisilbing boses ng mga Pilipino sa ibang nasyon. Siya ang nagpapahayag ng mabuting hangarin ng Pilipinas sa mga dayuhang bansa. Higit sa lahat, ipinagkatiwala sa kaniya ng mga mamamayan ang kanilang bansa at kaligtasan PAALALA: Ang aming isinulat ay pawang opinyon lamang. Sapagkat ito ay isa lamang sa aming proyekto sa paaralan. Kami ay walang sino man na pinapatnubayan at pinapatigan. Ang mga salitang aming binitawan ay pawang mga ideya lamang ng aming grupo. Ipinasa nina: Maria Christine Bernadette Tumabiene Erl Trexia Buntalidad Ven Regij TaƱo Jowela Napallatan Edsie Marie Gestupa Grade 12-St Brendan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento